Green Tara Mantra

Goddess Tara ang isa pang tawag sa kanya. Sa tulong ng mantra ni goddess Tara, ikaw ay makakalaya sa walong negatibong bagay: 1) kamangmangan 2) pagmamalaki 3) galit 4) inggit 5) maling paniniwala 6) pagiging gahaman 7) pagkahumaling sa materyal na bagay at kamunduhan 8) pagdududa. Mainam na usalin ang Green Tara mantra kung may malaking desisyon na gagawin o nagigipit sa pera. Mantra: Om Tare Tuttare Ture Swaha. Usalin ito araw-araw ng 108 times. Magtuhog ka ng 108 beads at ito ang gamitin mo tuwing magma-mantra ka. Epektibo. Basta’t maniwala ka.

Show comments