Pamahiin (2)

• Ang pagpatay ng paniki ay nakakaikli ng buhay.

• Masuwerte kung may honeybee na pumasok sa inyong bahay.

• Masuwerte rin kung magtayo sila ng beehive sa wall o sa anumang parte ng bahay n’yo.

• Malas pumatay ng honeybee.

• Pangitain na may mamamatay: Kung may kuwago sa bubong ng bahay n’yo.

• Susuwertehin ka kapag biglang ibinuka ng peacock ang kanyang feathers sa harapan mo.

• Hindi magandang pangitain kung makaka­rinig ng iyak ng peacock.

• Masuwerte ang perlas kung binili mo para sa iyong sarili.

• Kung niregaluhan ka ng perlas, bayaran mo ng piso ang nagregalo para lumabas na ikaw rin ang bumili.

• Hindi lucky na magsuot ng perlas ang ikakasal.

Show comments