NAKADAPA sa windshield ng bus ang impakta, nakangangang kita ang matatalim na ngipin at pangil, nakatitig sa nagmamaneho.
Nagulat nang husto ang driver, nagpa-ese-ese ang takbo ng bus.
Sigawan ang mga pasahero. “Eeee! Babangga tayooo!â€
BRAAMM. Bumangga nga, sa malaking puno ng acacia.
Tatlo agad ang namatay kasali ang driver. Marami ang sugatang pasahero. Duguan, malulubha.
Ewan kung ito ang hinihintay ng impakta. Mabilis itong umatake sa malulusog na sugatan, parang piranhang kinain ang dalawang biktima—tila walang kabusugan. Tsomp. Tsomp. Tsomp.
Nasaksihan iyon ng mga agaw-buhay na pasahero. Lagim na lagim ang mga ito. “Mahabaging…Diyos. Saklolohan Mo po kami…â€
Kapansin-pansin na malaki na ang impakta, para nang pusa ang sukat, hindi na kasingliit lang ng sigarilyong king-size.
Wala na ang impakta nang dumating ang rescuers. Nalaman nila sa isang naghihingalo ang ginawa ng alien.
Nag-red alert na ang mga tao sa nakaambang panganib. Bawat isa yatang adult ay naghanda ng panlaban—baril, itak, panghataw at iba pa.
Nagbuo na rin ng search team ang ilang samahan. Hindi nila bubuhayin ang mabangis na taga-ibang planeta na ayon sa ulat ay ‘singlaki na ng pusa.
Kabilang sina Brando at Professor Torres sa sagad ang tensiyon; para nang magko-collapse sa nerbiyos.
Nag-aalala ang dalawa na sasabay sa pananalasa ng impakta ang spaceship. “Brando, posibleng may nuclear bomb ang sasakyan ng taga-ibang planeta. Maraming mamamatay…â€
“Ang hindi ko maintindihan, masyado silang advance sa technology pero sa tiyan ko lang pala sisiksik. Ano bang kagaguhan ‘yon, professor?â€
Masyado raw crude, tila hindi napaghandaan ng taga-ibang planeta ang paghanap ng tamang tirahan sa daigdig, obserbasyon ni Brando.
“Ganyan din naman ang Boston bomber, Brando. Nagkasya sa paggamit ng bombang hindi high-tech, gawa lang sa pressure cooker.â€
Kaybilis ng sumunod. Walang babalang lumabas sa bunganga ni Brando ang spaceship. Umikot-ikot sa mukha nito. SUBAYBAYAN