Alam n’yo ba na ang hotdog ay isa sa mga pagkaing baon ng mga tao sa loob ng Apollo moon flights? Noong unang panahon, ang carrots ay itinuturing na “aphrodisiac†ng mga Greeks at Romans. May 3,500 ethnic restaurants sa New York City. Tanging ang asin ang sangkap sa pagkain na hindi tumataas ang presyo sa loob ng 150-taon. 25% ng mga Amerikano ay kumakain ng kanilang agahan sa loob ng sasakyan. Ang Italy ang bansang gumagawa ng pinakamaraming wine sa buong mundo. Ang gulay ay inaani tuwing umaga o hapon, dahil kapag tirik ang araw, ito ay mabilis malanta at mawawala ang ganda ng kulay nito. Ang unang kinilala bilang pinakabatang ina ay si Lina Medina ng Peru noong 1939? Nagluwal siya ng sanggol lalaki na 6 ½ pound ang bigat. Si Lina ay limang taong gulang at pitong buwan ng ipinanganak niya ang bata. Ipinagtapat lang sa kanyang anak ang katotohanan noong ito ay 10-taong gulang na. Ang pinakamatandang nanay naman na nanganak ay si Satyabhama Mahapatra, na nagsilang ng sanggol nang siya ay 65-anyos na. Matapos ang 50-taong pagsasama ay saka lang sila nagkaanak ng kanyang mister.