Apat ang mahal

Dear Vanezza,

I’m Kitchie, 14 yrs. old. May 4 po akong mahal kaya lang nalilito po ako kung sino sa kanila ang pipiliin ko. Yung isa iskulmeyt ko, kapitbahay naman namin yung dalawa at yung isa friend ng kuya ko. Lahat sila pinakikita ko na mahal ko kaya nga po hindi ko alam kung sino yung pinakamahal ko basta alam ko mahal ko silang lahat. Ano pong gagawin ko?

Dear Kitchie,

Napakabata mo pa para mamroblema tungkol sa pag-ibig. Binibigyan mo lang ng sakit ng ulo ang iyong sarili. Sa halip na guluhin mo ang iyong isip sa kanila, mas dapat mong paglaanan ngayon ng panahon ang iyong pag-aaral lalo na’t malapit na naman ang pasukan. Gawin mo lang inspirasyon sa pag-aaral ang iyong mga crush. At sa tamang edad na magmamahal ka, isa lang ang dapat mong mahalin dahil isa lang ang puso mo. Kapag marami kang pagpipilian ay talagang malilito ka. 

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments