PAREHONG natakot sa isa’t isa ang pusa at ang impakta; tumakbo ang pusa ni Brando; ang impakta ay napahiyaw.
Si Brando ay tulog sa kalasingan, hindi nagising.
Nagkubli sa bunganga ng lasing si Morgama alias Impakta, nakiramdam sa panganib. “vvvxxzz><sss*^#+/:xxxssszz-“ sabi ng impakta. Sa wikang tao, ibig sabihi’y “Anong klaseng creature ‘yon? Napakatalim ng mata!â€
Nang matiyak na wala na ang panganib, saka lumabas nang tuluyan ang impakta, lumundag mula sa bibig ni Brando.
Nakita nito ang tulog na may-ari ng tiyan. Napailing.
Namintas. “Hhhhzzzxx><*^#vvvvxxssz.â€
“Bakit pa kaya nabuhay kung nagpapabaya naman sa buhay?†ibig sabihin ng impakta.
Naalala nito ang misyon. Maghahanap ng tao na kakainin.
Kahit diring-diri ay gagawin ito ng napakaliit na alien.
Pero kakain muna ang impakta ng paboritong chicken inasal, litson manok na itinitinda sa tabing daan.
ZIINNGG. Kaybilis ng pagtakbo ng impakta sa labas ng tirahan ni Brando, halos hindi makita ng mata; mabilis pa yata sa speed of sound.
Nakapangubli ito sa tindahan ng litsong manok sa kanto.
Nakapagnakaw na naman ng anim na manok na agad nilantakan—super bilis. Gaya ng dati, mga buto na lang ang nalabi, iniwan sa isang sulok. Takang-taka ang dalawang nagtitinda. Hindi malaman kung paano magpapaliwanag sa may-ari.
Mayamaya’y nagbintangan na ang mga ito.
“Gener, ikaw ang nagnakaw at kumain sa mga manok! Ang iba, tiyak na ipinagbili mo nang palihim!â€
“Sira-ulo ka ba, Gemong? Baka ikaw ang may kagagawan! Sa’ting dalawa, ikaw ang mabisyo! Tiyak na ikaw ang yumari sa anim na litsong manok! Isusumbong kita kay Boss!â€
Nagsapakan ang dalawang tindero. PUG. PAG. BUG. BOG.
Inawat ang mga ito ng pulis-barangay. Inalam ang puno’t dulo.
“Pangalawang pangyayari na ‘to, a. Na may nagnanakaw ng mga litsong manok saka nilalantakan nang palihim. Buto na rin lang ang inilabi.â€
MALAYO na sa ‘crime scene’ ang impakta. Naghahanap na ng taong titikman at kakainin. (ITUTULOY)