Aagawan ng pera

Panaginip: Ano po ang ibig sabihin na lumuluha ako ng dugo pero hindi naman masakit sa mata. Hindi ako sure kung dugo nga iyon, basta lang red ang lu­ma­labas instead na colorless fluid.---STI

Interpretation: Mawawalan ka ng pera—aagawin sa iyo nang sapilitan; bobolahin ka o kukunin sa iyo nang di mo namamalayan—ito ang ibig sabihin nang pagluha ng dugo. Magkaganoon pa man, kagaya ng cycle sa menstruation, ang nawalang dugo ay na­papalitan ng panibagong dugo. Kaya ang nawala mong pera ay mapapalitan ng panibago. Mababawi mo ang nawala.

Show comments