MATAPOS mapangalahati ang long-neck, hilahod na sa kalasingan si Brando. Pakanta-kanta na habang nakasandal sa kama, nakaupo sa sahig.
“To dream da impossible dream…†Pati boses niya ay lasing.
Ewan kung alam na humihilab ang tiyan niya. May gumagalaw na nakabukol, pagala-gala sa loob ng sikmura.
“To bear da unbearable arrow…to fly where da devil dare not go…†Lasing na rin pati lyrics ng kanta, mali-mali.
Ang movement ng nasa loob ng tiyan ni Brando ay pababa. Ewan kumbakit hindi pataas.
Mukhang lalabas ito. Nainip ba sa loob ang impakta?
“This is my breast…to follow my car…wherever I’m ready…come near or far…â€
Napahiga na sa sahig si Brando, antok na antok na, tuloy ang kanta. “To give when there’s no more new brief…â€
SI MORGAMA a.k.a. Impakta ay nagdadalawang isip kung tutuloy sa ibang labasan. Dati ay sa bunganga ni Brando siya lumalabas-pumapasok. Pero ganitong may babala siyang nasagap—na may kung anong panganib sa labas ng bibig ni Brando—iiba siya ng labasan.
Hindi naman matiyak ng impakta kung ano ang panganib.
Dinig niya ang tabinging awit ni Brando. “To be willing to cry so dat airport and Justin can live…â€
Huminto sa pababang galaw ang impakta. May naamoy na hindi kaaya-aya sa di-kalayuan.
“zzxxxrrrr^*#<>zzzxxrrr##†galit na sabi ng impakta. Na ang ibig sabihin sa lengguwahe ng tao ay: “Napakabaho! Super-super baho!â€
Kailangan nang lumabas ni Morgama-Impakta. Bumago ng direksiyon. Sasalubungin na ang paÂnganib sa labas ng bunganga ng lasenggo.
Buwisit na buwisit na siya sa awit nito. “And I know if I’ll only be blue...to dis Gloria’s request…dat my hat will lay cheerful and red…when I’m led to my cheese…â€
Binilisan ng impakta ang pag-akyat, malapit na sa lalamunan ni Brando. Gugulatin nito ang panganib sa labas, deklara nito sa sarili.
Nakangangang nakatulog na si Brando. Nakabantay ang pusang alaga, nakaharap sa mukha ng amo.
Bumungad na sa bunganga ang impakta. Nagkagulatan ng pusa. Parehong nag-freak out. “Aaaahhh!†“Ngiyaaarrwww!†ITUTULOY