LALONG hindi katanggap-tanggap kay Brando na sa puwitan niya sapilitang papasok ang impakta papunta sa kanyang tiyan. Nagbabanta itong lalapain siya kapag nagmatigas.
Napilitan nga siyang ngumanga, sa bunganga pinapasok ang impaktang mula sa kalawakan.
Ayaw maniwala ni Brando sa sinabi ng impakta. Siya raw ay may tama na sa lungs dahil sa kalalasing; papunta na raw siya sa sementeryo.
“Kaya, Brando, magsumikap kang makapagtrabaho uli! Para makapagpagamot ka! Huwag tatamad-tamad,†pahabol ng impaktang papasok na sa bunganga niya. “Bawasan mo ang kalalasing!â€
Tuluyan na itong pumasok sa bunganga ni Brando, naramdaman ng binata na nagtuluy-tuloy ito sa kanyang lalamunan.
Uminom siya ng maraming tubig. “Malunod ka sana, impakta!â€
Gigil si Brando. Ano ba ang pakialam ng impakta sa personal niyang buhay? Daig pa nito ang yumao niyang nanay.
Kung puwede nga lang ay kinagat na niya sa leeg ang impakta; siguro’y kikisay ito saka mamamatay.
Kaso, naalala niyang super-kunat at super-tigas ng balat nito; baka mabali ang ngipin niya; nightmare sa kanya ang mabungi; maaalis ang kaguwapuhan niya kung siya’y bungal.
Napakunot siya, naalala ang babala ng impakta sa kanyang kalusugan. Ayaw niyang maniwalang may tama siya sa lungs.
“Nanliligalig lang ang impakta. Konting ubo lang ang problema ko. Saka konting hapo.â€
“Ngiyaw…ngiyaw…â€
Si Ming iyon, alagang pusa ni Brando. May naisip siyang ideya.
“Tama, paglabas muli ng impakta sa bunganga ko, ipapakain ko siya kay Ming!â€
Sa isipan ni Brando, kayang lurayin ng pusa niya ang impakta. Natitiyak niyang may kamatayan ang pangit na alien.
“Minnnngg…Miinnnggg…†Inamo niya at kinarga ang malinis na pusang bahay. “May special food ka, just wait, ha?â€
“Ngiyaw.†Ewan kung naintindihan siya ng pusa.
Tiniyak ni Brando na hindi siya naglalalayo sa bahay sa araw na ito. Hula niya’y lalabas ang impakta anumang oras.
Itinuloy niya ang paglalasing. Saka na magtatrabaho. ITUTULOY