Ang tsismis sa isang lugar, gaya ng inyong komunidad o di kaya ay sa trabaho o opisina ay hindi na pinagtatakhan na talamak dahil sa mga tsismoso/tsismosa. Saan nga ba nagsisimula ang tsismis? Nagmumula ito sa pag-uumpukan at pagkukuwentuhan sa araw-araw na pagkikita ng mga ito na siyang ginagawang libangan at masaklap minsan ay “hobby†na ng isang tao. At ang taong may ganitong bisyo ay mahirap patigilin ang dilang mapanira. Kung titingnan mo, parang “harmless†naman ang tsismis lalo na kung ang “subject†ng pinag-uusapan ay maliit na bagay lang. Ngunit hindi ito dapat na binabalewa dahil kapag lumaon ay tiyak na pagmumulan ng away at problema ng bawat indibiduwal. Narito ang ilang paraan para hindi ka matawag at kilalaning tsismoso/tsismosa:
Maging propesyunal - Dapat mong panatilihin ang iyong pagiging propesyunal sa lahat ng oras sa lahat ng iyong mga kasamahan sa opisina. Kaya ibig sabihin, magtrabaho ka lang ng tama at ubusin ang oras mo dito sa pagtatrabaho at hindi sa pakikinig ng mga tsismis na nakakasira ng pagkatao ng ibang tao. Kung wala ka naman magawa at talagang napagkukuwentuhan ka na ng tsismis, mas mabuting maging “neutral†ka lang sa anumang “topic†na kanyang ikinukuwento sa’yo. At kung magbibigay ng komento, dapat na maging maingat, dahil hindi mo naman alam baka isang araw ang iyong sinabi sa taong ito ang kanyang isisiwalat sa iba at itsitsismis ka din.
Iwasang makinig ng tsismis – Talaga naman nakakatuwang makinig ng tsismis lalo na at pribadong buhay ng ibang tao ang “topicâ€. Pero, pilitin mo pa rin na hindi makinig sa mga tismis na ito at kung maaari ay layuan ang mga kilalang makakati ang dila sa inyong lugar o opisina.
Mamili ng mga kaibigan o sinasamahan – Dahil sa talaga naman nakakatuksong sumama sa mga tsismoso/tsismosa, mas mabuting piliin mo na lang ang mga taong iyong sasamahan, kakaibiganin at pakikinggan habang nagpapalipas ka ng oras. Maghanap ka na lang ng taong kapupulutan mo ng aral at tutulong sa’yo na paunlarin pa ang iyong sarili kaysa sumama sa mga taong walang ibang sasabihin sa’yo kundi ang kasiraan ng buhay ng ibang tao.
Tandaan mo, ang isang taong walang ibang pinagkakalibangan kundi ang itsismis ang kanyang kapwa ay taong “insecure†at walang magawa sa buhay kundi abangan ang mangyayari sa buhay ng iba. Bakit siya “insecure� Kasi akala nila “bida†na sila kapag nagsasalita sila ng mga pangit na bagay laban sa iba. Naghahanap din sila ng atensiyon ng kanilang kapwa kaya naghahanap sila ng “topic†na ibibida niya sa iba para lumabas na siya ay magaling. Bakit? Kasi walang ibang gustong kumausap sa taong tsismoso/tsismosa kung wala rin naman siyang sisiraan. Dapat mo din isipin na hindi ka yayaman o aangat ang buhay kung puro pakikipag-tsismisan ang iyong gagawin sa buhay. Mas mabuti pang magbanat ng buto, para mas may marating sa buhay at maitaguyod ang pamilya.