“ANG MAGIGING baby natin, anak ni Kamatayan. Ako naman, misis ni Kamatayan,†napapailing-napapangiting sabi ni Lezzy.
“Noong panahon ni Cleopatra, uso na ang pagtitina ng buhok—alam mo ba ‘yon?â€
“No, Negro Angelo, hindi ako palabasa. I’m a rich girl na ang tanging meron ay…pera.â€
“Dapat baguhin mo ang katauhan mo. Try being good sa mga walang wala. Laluna sa mga kulang sa hustisya.â€
Napakunot-noo ang dalagang spoiled. “Negro, napakarami nila. Balewala ang tulong ko.â€
Mahinahong nagpayo si Kamatayan. “Just do your share, Lezzy. Sapat nang may mabuti kang intensiyon, it’s good for the soul.â€
Sumalag muli ang dalagang walang pakialam. “Negro Angelo-NA-Kamatayan, ito pong girlfriend mong maganda ay batambata pa para mag-worry sa kaluluwa. Bayaan mo munang magsaya nang husto. It’s more fun in the Philippines, you know.â€
Tumanaw sa malayo ang boyfriend. NapaiÂling.
“What? Ano na naman ang nakita mo?â€
Umiling ito. Hindi pa kayang sabihin kay Lezzy ang balitang yayanig dito nang husto. “Nothing.â€
“Baka may mamamatay na naman sa circle of friends ko? Sabihin mo na agad.â€
Iba ang sinabi ni Negro Angelo. “May world leader sa Europa na mamamatay. Iiyak ang mundo.â€
“Sinong world leader?â€
“Hindi ko puwedeng sabihin…bawal malaman nang una sa panahon.â€
“Ikaw rin ba ang kukuha sa world leader na ‘yon?â€
Natigilan si NA. “Ewan pa. Sana nga ay ako…â€
Naintriga si Lezzy. “May iba pa bang tulad mo ang role--bilang si Kamatayan?â€
“Hindi ko puwedeng sabihin. Mababago ang pananampalataya ng maraming tao.â€
“Kailan ko malalaman kung aanakan mo ako ng tatlo?â€
“Lezzy, hindi ka magkakaanak…â€
Bumalatay ang pagkamangha sa mukha ng dalaga. (ITUTULOY)