Tanong: Totoo ba na may ulcer din sa bibig? – Zaza
Sagot: Oo. Tinatawag na mouth ulcer ang kirot o pagsusugat sa bibig. Sa pag-aaral ng mga health care expert, maraming disorder ang nagdudulot ng mouth ulcer kabilang na rito ang canker sore o aphthous ulcer, gingivostomatitis (viral o bacterial infection), herpes simplex (viral infection), leukoplakia- isang precancerous sore na nade-develop sa dila, oral cancer, oral lichen planus o matinding pangangati sa bibig at oral thrush na dulot ng yeast infection. Natutukoy ang mouth ulcer sa pamamagitan ng itsura at posisyon ng bahaging apektado, may pagkakataon din na nagsasagawa ng blood test o biopsy para malaman ang sanhi ng mouth ulcer.