Nasa denial stage si Lezzy, hindi matanggap na patay na nga ang kaibigang bading na si Lucille. Nang makita na niya itong nasa kabaong ay saka siya napahagulhol nang husto.
“Oh, God, Lucille, bakit ka namatay na? Napakaaga pa, friend…kaydami pang dapat ma-experience. Hu-hu-huuu!â€
“Excited siya kaninang alas-sais ng umaga. May lakad nga raw kayo sa Tagaytay, bibili ng mga tanim.†Nagkukuwento ang tiyuhin ni Lucille. “Pero pagdaÂting ng saktong alas-siete, media, inatake na siya ng sakit sa puso. Wala siyang nasabing may sakit siya sa puso, Lezzy…â€
“Ako man ho’y walang alam na may heart ailment siya. Baka nga ho pati si Lucille, hindi alam…â€
Napapailing ang tiyuhin. “Kahit bading ‘yang pamangkin kong ‘yan, napakagaling niyang tao, matulungin sa kapwa laluna sa mga bading.â€
Naggugumiit sa isip ni Lezzy ang sinabi ni Negro Angelo. “Kapag nakaraan na ang Linggo at handa ka nang tuklasin ang tunay kong katauhan, darating ako, Lezzy.â€
Nais na naman niyang mamuhi kay Negro Angelo. Bakit ba laging tama ang prediksyon nito tungkol sa mga taong mamamatay?
Hindi naman niya masabing direktang ito ang pumapatay. Gaya sa kaso ni Lucille, klarong atake sa puso ang ikinamatay nito.
Walang direct link na magpapatunay na si Negro ang sanhi ng kamatayan ng mga namatay.
“Kahit pa tuklasin ko kung sino talaga si Negro Angelo-- ang bottom line ay patay ka na, Lucille. Hindi ka na mabubuhay, friend.†Kinakausap niya ang bading na nakahimlay sa kabaong.
“But you know what, Lucille? You look so radiantly beautiful tonight. Payapang payapa ang iyong anyo, diva ang dating.â€
Ewan kung guniguni, tingin ni Lezzy ay sansagÂlit na dumilat si Lucille, may itinuturo sa kanya ang mga mata nito, tinututulan nito.
Napaigtad si Lezzy pero hindi natakot. Lalo pa nga at nakapikit nang muli si Lucille.
Nag-imbestiga siya ng posibleng inaayawan ng kaibigan.
Nakita niya--sa funeral announcement. “Holy chic! Ayaw niya nito!â€
Ibinulong niya sa nag-iisang kaanak ni Lucille. “Manong, ayaw po ni Lucille na tinatawag siyang Lucio. Pakibago po.†(ITUTULOY)