Panaginip: In waking life, swimmer ako sa school noong kabataan ko. I am now in my 30s. Sa panaginip, nasa swimming competition ako pero natatakot akong mag-dive. Para akong ipinako sa diving board at hindi makagalaw.---Jessel
Interpretation: Takot kang makipagsapalaran at mabigo. Ito ang ipinahihiwatig ng iyong panaÂginip. Dapat mong alalahanin na ang nakakaraÂting sa itaas ay ‘yung mga taong hindi natatakot mahulog. At sa tuwing siya’y mahuhulog ay hindi nagdadalawang isip na muling umakyat hanggang sa makarating sa itaas.