MANILA, Philippines - Naging isang malaÂking achievement kay head coach Vergel Meneses ang pagkakapasok ng kanyang JRU-Air21 team sa nakaraang conference ng PBA D-League.
Kahit na hindi kalaÂkasan ang kanyang kopoÂnan ay nagawa niyang taÂlunin ang mga mas paÂboritong koponan at naÂkaÂrating pa hanggang sa Final Four laban sa NLEX.
Maging sa laban sa NLEX ay nagawa nilang mabigyan ng maganda at mahigpitang laro ang Road Warriors at umabot pa sa Game 3 ang kaÂnilang serye.
Sa pagbubukas ng paÂnibagong conference, ay may bago na namang koÂponan na hawak si MeneÂses at ito ay ang EA Regen Medical Group.
Ito ang koponan na binÂuo ni sports patron MaÂyor Dennis Pineda sa paÂkikipagtulungan kina assistant coach Allan TriÂnidad, team manager ArÂchen Cayabyab at assistant team manager Charlie Chua.
Hindi tumigil si PiÂneda hangÂgang sa nakumÂbinsi niÂya si Meneses na maÂging head coach ng team.
“Natutuwa naman ako sa tiwalang ibinigay sa akin ni Mayor Dennis. MaÂganda ang line-up na naÂbuo namin, at sana nga, makagawa ulit kami ng magandang performance at sana’y umabot naman ako sa Finals,†sabi ni MeÂneses.