Dating NBA superstar isang crossing guard na ngayon

WASHINGTON --- Ang huling pagkakataon na na­kita at narinig ng mga NBA fans si Adrian Dantley, ang legendary scoring forward at 2008 inductee sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame, ay nang mawalan ito ng trabaho bilang assistant coach ng Denver Nuggets.

Ito, ayon kay Dantley, ay ang pag-ayaw niyang ma­kipagpalit ng upuan kay head coach George Karl sa bench.

Nauna nang umupo si Dantley bilang interim head coach ng Denver habang sumasailalim si Karl sa isang cancer treatment.

Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho si Dantley bilang isang crossing guard sa labas ng Eastern Middle School sa Washington, D.C..

Kumikita siya ng $15,000 kada isang taon na hindi hamak na maliit kumpara sa kanyang mga dating kinita bilang isang six-time All-Star na naglaro ng 15 seasons sa NBA.

 

Show comments