Donaire gigil na kay Rigondeaux

MANILA, Philippines - Mas tutok ngayon sa pagsasanay si unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. para sa kanilang unification fight ni Cuban titlist Guillermo Ri­gondeaux kumpara sa mga nauna niyang laban.

Isa sa mga dahilan nito ay ang pam­bibitin na ginawa ni Rigondeaux sa pagsusumite ng form para sumaila­lim sa isang Olympic-style drug tes­ting sa Voluntary Anti-Doping As­so­ciation ba­go ang kanilang press con­ference no­ong Pebrero.

“I’ve really been focused on this camp more than I’ve ever focused, so there’s no excuses,” wika ni Donaire, ita­taya ang kanyang mga suot na World Bo­xing Organization at International Boxing Federation super bantamweight titles laban sa World Boxing Association king na si Rigondeaux, sa panayam ng BoxingScene.com.

Magtatagpo ang 30-anyos na si Do­­naire (31-1-0, 20 knockouts) at ang 32-anyos na si Rigondeaux ang kanyang 11-0-0 (8 KOs) sa kanilang unifi­ca­tion fight sa Abril 14 (Manila time) sa Radio City Music Hall sa New York.

Bago pa man magharap sa press conference ay panay na ang panunuya ni Ri­gondeaux sa mga panalo ni Donaire ki­na Wilfredo Vasquez, Jr. ng Puerto Ri­­co, Jeffrey Mathebula ng South Afri­ca, Toshiaki Nishioka ng Japan at Jorge Ar­ce ng Mexico noong nakaraang taon.

Ayon kay Donaire, sisilip siya ng ma­giging pagkakamali ni Rigondeaux para makaiskor ng isang KO victory.

“When it comes to counter-pun­­c­hing, I know the mistakes that people make. So that’s something we’re going to look forward to in learning about Ri­gondeaux,” ani Donaire.

 

Show comments