Pacquiao abala sa kanyang kampanya

MANILA, Philippines -Hanggang ngayon ay hindi pa nakakausap ni Bob Arum si Manny Pacquiao kaugnay sa unang laban ng Filipino world eight-division champion ngayong taon.

Sinabi ni Arum sa panayam ng 8countnews.com na abala ang 34-anyos na si Pacquiao sa paghahanda sa kam­panya para sa kanyang ikalawang sunod na ter­mi­no bilang Sarangani Congressman.

“Manny is in his political mode, He is running unopposed. His wife (Jinkee) is running for (Sarangani) Vice-Governor, his brother (Rogelio) is running Congress. He’s running the campaigns of about a dozen of Mayoralty candidates in the Philippines,” ani Arum kay Pacquiao.

“So he’s got a handsfull in politics, but he wants to fight in September. Hopefully, we’ll match him for another time against (Juan Manuel) Marquez, but we’ll see,” dagdag pa ng 81-anyos na promoter.

Nauna nang sinabi ng 39-anyos na si Marquez na wala nang dahilan para itakda ang kanilang pang-li­mang laban ni Pacquiao.

Ito ay matapos na ring patumbahin ni Marquez si Pacquiao sa sixth round sa kanilang pang-apat na pag­kikita noong Disyembre 8, 2012 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa kabila ng naturang pahayag ni Marquez, kum­piyansa pa rin si Arum na maitatakda niya ang Pacquiao-Marquez Part 5 sa Setyembre.

Kamakalawa ay inihayag ni Arum na balak niyang paglaban-labanin sina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs), Marquez (55-6-1, 40 KOs), Timothy Bradley, Jr. (29-0-0, 12 KOs) at Brandon Rios (31-0-1, 23 KOs) bago ma­tapos ang taon.

Itataya ni Bradley ang kanyang hawak na World Bo­xing Organization welterweight crown laban kay Rus­sian challenger Ruslan Provodnikov (22-1-0, 15 KOs), naging sparmate ni Pacquiao, ngayon sa Home De­pot Center sa Carson, California.

Magtatagpo naman sina Rios at Mike Alvarado (33-1-0, 23 KOs) sa isang rematch sa Marso 30.

Show comments