Heat dumiretso sa 21 sunod na panalo Lakers nakalusot naman sa Pacers

MILWAUKEE -- Tumipa sina LeBron James at Chris Bosh ng tig-28 points para tulungan ang Miami Heat na makamit ang ika-21 sunod na pa­nalo mula sa 107-94 pag­gupo sa Milwaukee Bucks noong Biyernes ng ga­bi.

Tatlong koponan lamang ang nagtala ng higit sa 20 sunod na panalo sa isang season.

Ang mga ito ay ang 1971-72 Los Angeles La­kers (33) at ang 2007-08 Hous­ton Rockets (22) ma­tapos lampasan ng Heat ang 1970-71 Bucks (20).

Napawi ang kanilang ka­ba nang dumiretso sa loc­ker room si Dwyane Wade suot ang isang neck strain matapos tumumba.

Kinuha ng Miami ang isang 17-point lead sa third quarter at hindi pinabayaang makadikit ang Milwaukee.

Hindi pa natatalo ang Heat sapul nang mabigo sa Indiana Pacers noong Pebrero 1.

Nagposte si Bosh ng 12-of-16 fieldgoal shoo­ting kasama ang dalawang 3-pointers.

Isinalpak ni Bosh ang isang four-point play na nagbigay sa Heat ng 67-53 abante laban sa Bucks sa huling limang minuto ng third quarter.

Tumapos naman si Wade na may 20 points para sa pagbawi ng Mia­mi sa pagkatalo sa Milwaukee noong Disyembre.

Kumolekta si Ersan Il­yasova ng 26 points at season-high 17 rebounds para sa Bucks.

Sa Indianapolis, hindi nakaiskor si Kobe Bryant sa ika-15 pagkakataon sa kanyang 17-year NBA ca­reer, ngunit tumapos naman si Dwight Howard na may 20 points, kasama rito ang panablang three-point play sa huling 90 segundo, para igiya ang Los Angeles La­kers sa 99-93 panalo laban sa Indiana Pa­cers.

Nagkaroon ng injury si Bryant nang matapakan ang paa ni Dahntay Jones ng Atlanta Hawks.

 

Show comments