MANILA, Philippines -Susubukan ng Talk ‘N Text na patuloy na nakadiÂkit sa mga nangunguna sa team standings sa pakikiÂpagharap nito laban sa Barangay Ginebra sa 2013 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Smart Araneta CoÂliseum.
Unti-unti nang bumabalik sa kanilang mabangis na porma ng Tropang Texters na nanalo sa kanilang huling dalawang laro at mahaharap naman ang Kings sa alas-6:30 ng gabi matapos ang ika-4:15 ng hapong bakbakan ng Alaska at Globalport, ang koponang naÂsa ibabaw at ilalim ng team standings, ayon sa pagkaÂkasunod.
Ambisyon ng Alaska na makabawi at hindi tuluÂyang malaglag mula sa liderato sa standings matapos gulatin ng Air21, 74-68, noong Biyernes.
Pero makakaharap ng Aces ang isang koponang desperadong pigilan ang kanilang five-game losing skid.
Maglalaro sa kanilang pangatlong laro sa nakaraang siyam na araw, nais ng Talk ‘N Text na maitala ang kanilang pinakamahabang winning streak sa conference pagkatapos nilang padapain ang Barako Bull, 101-98, noong nakaraang Sabado sa Legazpi CiÂty at ang Rain or Shine, 86-76, noong nakaraang MiÂyerkules.
Pero desidido rin ang Kings na maitala ang kaÂnilang unang back-to-back wins sa conference matapos manalo sa San Mig Coffee, 96-88, noong Linggo.
Ang Ginebra at Globalport na lamang ang natitirang dalawang koponan na hindi pa nananalo ng dalawang dikit na laro sa conference at umaasa ang Kings na ngayon na ito mangyayari.
Habang unti-unti nang nakaka-adjust sa kanyang teamÂmates at style ng laro sa bansa ang import ng Kings na si Vernon Macklin, si Donnell Harvey ng TNT naman ay halos nagsisimula pa lamang maka-reÂcover mula sa jet lag buhat nang dumating isang lingÂgo pa lamang ang nakaraan.
Nagtala ng mga averages na 21.0 points, 16.5 rebounds. 3.3 assists at 1.3 shotblocks sa kanyang apat na laro si Macklin, samantalang may 15.5 puntos, 9.5 rebounds at 2.5 assists averages si Harvey.
Ang laro ng Tropang Texters at Kings ay unang pagÂhaharap sa conference ng dalawang koponang nagharap para sa kampeonato ng Commissioner’s Cup na napanalunan ng TNT, 4-2.