Boyfriend ko si kamatayan (11)

“MANGHUHULANG ala-tsamba ang Negro Angelong ‘yon, Lezzy. Nagpapakontrobersyal lang. Kundi rin lang siya magbabago ng anyo—say maging aswang or vampire--wala siyang pruweba na siya ay super-being. Tao lang siya na wirdung-wirdo,” giit ng bading na si Lucille.

Tumangu-tango ang dalaga. “Oo nga, isa lang siyang very creative man na enjoy mangyanig ng kapwa. Nakakahula ng magaganap paminsan-minsan, that’s all.”

“Huwag mo na muna palang i-break. Guwapo at mayaman ‘ka mo, sayang naman. Enjoy him na lang, Lezzy.”

Ngumiti ang spoiled lady. “Talaga namang ini-enjoy ko siya. Pasasaan ba’t makikilala ko rin siya nang husto.”

“Kapag pala nagkatuluyan kayo, malambing mo siyang tatawaging  Negro darling? O baka naman Neggie?”

Napabungisngis si Lezzy. “Hi-hi-hi! Oo. At kapag galit ako, sisigawan ko siyang NEGRO!”

“Avah, masaya!”

MALUNGKOT, malagim ang balita sa panggabing TV newscast. “Nakikita po natin sa screen ang madugong aksidente sa highway kung saan limang nursing students na sakay ng bus ang namatay, dead on the spot. Nabangga po ang bus ng cement mixer…”

Nanonood noon sa TV sina Lezzy at Lucille. Lagim na lagim sa maagang kamatayan ng limang dalagang estudyante.

“N-nagkatotoo ang sabi ni Negro Angelo, Lucille, oh my God…”

“Nahulaan nga ng boyfriend mo, Lezzy! Nakakakilabot!”

May napansin sa video footage ng aksidente si Lezzy. “Oh my God, hayun siya, nakikiusyoso!”

“Sinong ‘siya’? Alin diyan?” curious na tanong ng bading.

“Si Negro Angelo, hayun sa crowd! ‘Yung naka-jacket ng blue!”

`“Bakit kaya siya naroon, Lezzy?”

Mukhang malungkot sa live coverage na ‘yon sa TV si Negro Angelo. “Hula ko, alam niyang doon magaganap ang aksidente. Kaya siguro naghintay na siya doon, nakikiramay.”

“Lezzy, guwapo nga siya pero mukhang hindi kayo magkabagay. Paano ka liligaya sa lalaking alam kung sino ang mamamatay?” (ITUTULOY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Show comments