Boyfriend ko si Kamatayan (6)

ANG ALAM ni Lezzy, pagpasok na pagpasok ni Negro Angelo sa condo niya, hinalikan niya agad ito.

Halik na maapoy, very passionate—gaya ng nakikita niya sa Sex And The City. Gaya ng halik ng isang spoiled na dalaga.

“Hmmmpp.” Gumanti na rin ng mapusok na halik si Negro Angelo.

Hindi doon natapos ang instant romance. Nakarating din sila sa bawal pa—sa sukdulan ng pagtatalik kahit hindi naman mag-asawa.

Humupa ang init, nagbalik ang kahinahunan.

“Whoa! Nagawa nga ba natin ‘yon?” tanong ng binatang misteryoso.

“Magsyota na tayo, NA. May nangyari na sa atin.”

Tahimik si NA. Hindi nag-confirm. Hindi rin nag-deny.

“Ayaw mong…magsyota na tayo?” tanong ni Lezzy.

“Old fashioned ako, Lezzy. Dapat munang mabuo ang pag-ibig…”

“Buo na ang love ko sa iyo, NA, noon pa mang una kitang makita.”

“Lezzy, I’ll take my time. Alam kong mai-in love din ako sa iyo.”

Napahinuhod naman ang spoiled na dalaga. “I know you will.”

“Nais mo ba akong hi­ngan ng paliwanag—tungkol kay Congressman Lucas?” walang babalang tanong ni NA.

Napaigtad si Lezzy. “Oh, yes! Intrigang-intriga talaga ako! I-ikaw ba ay m-may kinalaman sa…sa pagkamatay ni Congressman?”

“Yes.”

“Yes, may kinalaman ka?”

Tumango si NA. “Meron nga akong kinalaman sa pagkamatay niya.”

Kinilabutan si Lezzy. “Ibig mo bang sabihin na ikaw ay…killer?”

Ilang saglit ding natigilan si Negro Angelo. Ano ba ang dapat niyang  isagot?

“NA, answer me.”

“Hindi ako ordinaryong killer, Lezzy.”

Nayanig ang dalaga. “Oh my God…killer ka nga kung gano’n!”

“Marami pang mamamatay, Lezzy. At hindi ko ito mababago.”

Nasa denial stage si Lezzy. “Hindi kita dapat seryosohin. Weird kang magbiro, Negro Angelo. Hindi ka killer. Nagkataon lang na na-mention mo si Congressman bago siya napatay. Itigil mo na ang birong ito.”

Tahimik lang si NA.

“I love you at walang makapagbabago niyon, NA.”

Napailing si Negro Angelo, napabuntunghininga.

ITUTULOY

Show comments