Sumama sa iba ang ka-live-in

Dear Vanezza,

Ako si Erik, isang barbero. Nagkahiwalay kami ng aking ka-live-in dahil sumama siya sa ibang lalaki. Wala akong magawa nang sabihin niya na may iba na siyang mahal. Pinabayaan ko na lang siya dahil hindi rin magiging maganda ang pagsasama namin kung hindi ko siya palalayain. Mag-iisang taon na ngayon pero may takot pa rin ako na manligaw muli kahit may nagugustuhan ako. Ano ba ang maipapayo mo sa akin?

Dear Erik,

Hindi ka dapat matakot umibig muli. Kung may nagugustuhan kang ibang babae, bigyan mo ng kalayaan ang iyong puso. Talagang masakit mabigo lalo’t sa ikalawang pagkakataon. Hindi naman lahat ng babae ay tulad niya. Hindi lang siguro kayo para sa isa’t isa. Ipagpasalamat mo na lang na nangyari yan ng hindi pa kayo kasal. Ganyan talaga sa pag-ibig, may nabibigo at nagtatagumpay.

 Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments