Mensahe ng Compound Numbers

May nauna na akong inilathalang artikulo tungkol sa ibig sabihin ng paulit-ulit na pagpapakita ng single number. Pero ano naman ang ipinapahayag kung ang makikita ninyo ay dalawa o higit pang bilang ng pare-parehong numero kagaya ng mga sumusunod:

Meaning ng 111 or 1010

Mag-ingat sa mga iniisip. Burahin kaagad sa utak ang anumang negatibong bagay na pumapasok at palitan ng positibo upang kapag ito ay nagkatotoo, ay wala kang pagsisisihan. Mas madalas ang paulit-ulit na pagpapakita ng compound numbers, mas palapit na nang palapit ang katuparan ng mga iniisip mo.

Meaning 222 or 1222

Huwag mainip dahil unti-unti nang nabubuo ang mga pinapangarap. Ang key word sa pagkakataong ito ay : Don’t Quit. Magkakaroon na ng resulta ang mga pinaghirapan mo. Kung negatibo ang ginawa mo sa nakaraan, unti-unti nang nabubuo ang bad karma na tatama sa iyo. (Itutuloy)

Show comments