‘Sinner or saint? (18)’

 â€œINAY, magpahinga na muna kayo. Ako na ho muna ang bahala sa misis ko,” pabulong na sabi ni Generoso sa biyenan. Si Corazon ay latag na ang katawan sa kama, natutulog matapos tablan ng pain killer.

 Napapabuntunghininga ang matandang babae. “Seryoso ako, Generoso, ako na mismo ang nakikiusap kay Lord na kunin na ang anak ko. Sobra na ang hirap na tinitiis ni Corazon.”

 Ini-lock ni Gene­roso ang pinto matapos umalis ang biye­nan. Klak.

 Maingat na niyang inilabas ang pang-iniksiyon.

 Kinausap ang tulog na asawa. “Corazon, kaylaki ng sakripisyo ko matulungan ka lang mamatay nang maaga. Gaya ng pangako ko sa aking sarili—hindi ako makapapayag na pagtagalin ang paghihirap mo.

“Ako ang mabuting taong magiging daan ng pagtawid mo na sa kabilang buhay. Hindi ka na magigising sa mundo ng pagdurusa. “Paalam na, Corazon…”

Buong ingat nang ininiksiyunan ni Gene­roso ang asawa.

Lethal injection. Tiniyak ni Generoso na hindi maghihirap si Corazon, mamamatay agad ito.

 Tok.Tok. Tok.

Itinago agad ni Generoso ang heringgilya. “Inay, bakit ho?”

 â€œAyaw ko palang takasan ang anak ko, Gene­roso. Gusto kong madama ang kanyang pagdurusa, dalawa kaming haharap sa kanyang katapusan.”

 Wala nang katinag-tinang si Corazon. “Inay, natapos na po…”

 Kinilabutan ang ina. Nakaunawa. “P-patay na ang anak ko…”

 Niyakap ng ina ang bangkay. “Hu-hu-hu-huuu.”

 TATLONG araw ibinurol si Corazon, sa ika-apat ay inilibing na.

Nagbalik sa sariling condo unit si Generoso, mag-isa na namang namuhay.  Nakadama siya ng lungkot, nami-miss niya si Corazon.

Napaigtad siya, nakadama ng presencia sa silid.

 Naka-line up sa dilim ang imahe ng mga napatay ni Generoso. Mga pusa at asong gala. Si Mang Juan. Si Nanang.

 At si Corazon. “Corazon.”

Kumpleto ang kanyang mga pinatay. Dalawampu na pala—12 hayop, 8 tao, pinakahuli si Corazon.

 â€œCorazon, nakangiti ka. Nagpapasalamat ka.” Napaluha ang Berdugong Maawain.

(SUBAYBAYAN)

Show comments