Panaginip: Napanaginipan ko ang aking namayapang asawa na nakabihis at tipong may lakad. Niyakap niya ako at hinalikan pero di ako inalok na sumama sa kanya. Lihim akong nagtampo sa kanya.---Lily
Interpretation: Talagang hindi ka niya yayaÂyain sa kanyang pupuntahan dahil hindi pa oras ng iyong kamatayan. Ang pagyakap at paghalik sa iyo ng isang namayapa na ay nagpapahayag na malapit nang masolusyunan ang iyong problema, gagaling na ang iyong sakit or makakaahon ka na sa paghihirap.