HANDA na ang plane tickets pati ibang travel documents nina Corazon at Generoso. Kumbinsido na ang dalagang terminally ill na mayaman nga ang binata.
“Now, Corazon, will you marry me?â€
“Payag kang magpapakasal lang ako sa iyo para makapag-tour sa ibang bansa, Generoso? Kahit alam mong hindi kita mahal?â€
Tumango ang mayamang binata; ang lihim na berdugong maawain. “PaÂyag na payag ako.â€
“Ano ang mapapala mo?â€
“Corazon, magiÂging misis kita. Isang malaking kasiyahan sa akin iyon. Hindi ko malilimutan.â€
“Malala ang sakit ko, pabigat ako.â€
“Okay lang. Pagsisilbihan kita.â€
May patnubay ng nanay si Corazon. Ang mahalaga raw ay makapagta-travel na sa ibang bansa ang anak, bago ito kunin ng Diyos.
“Dadalhin mo rin ako sa grotto sa Lourdes, Generoso?â€
“Oo, idinagdag ko na sa destinasyon natin.â€
NATULOY ang pagpapakasal nina Generoso at Corazon, sa isang simbahan na umunawa sa kalagayan ng dalaga.
Humingi ng tatlong araw na pakikipag-bonding sa ina si Corazon bago sila magtu-tour sa ibang bansa. Pinayagan naman ni Generoso.
Maging siya man ay nagbalik muna sa dating buhay. Ang pagsentensiya sa mga dapat nang mamatay.
Gumagamit na siya ng high-powered firearm; may silencer pa rin.
Nasa bubong siya ng mataas niyang bahay. Nakaumang ang sandata.
Sa malakas na teleskopyo natatanaw ni GeneÂroso ang ‘dapat nang mamatay’. “Hayun! Huklubang matanda na nagpapalimos, napakarumi, uugud-ugod, napabayaan na ng mundo.â€
Lalaking nanlilimahid, nakaupo sa gilid ng kalye, ang super-tandang nilalang. Bahaw na ang tinig. Nanginginig ang kamay. “Palimos po…â€
Napakalabo na ng mata, halos nangangapa. “Pangkain lang po. Nagugutom po ako…â€
Awang-awa na naman si Generoso. Walang dudang siya ay maawaing berdugo. “Natapos na ang halaga mo sa mundo, tatang. Magpahinga ka na.â€
TSUD. Epektibo ang silencer. Tumimbuwang ang matanda. Patay agad sa tama ng bala. (ITUTULOY)