Anung klase kang magulang?

Last part

Number 8 Parent (Birth date 8, 17, 26)

“Cold and distant in nature” ang number 8 pa­rent. Kabaliktaran ng number 6 parent na sobrang mag­mahal ng anak. Hindi siya malapit sa kanyang mga anak. Magkaganoon pa man ay malapit ang loob niya sa anak na may  birthdate na 8, 3 at 6. Hin­di niya gaanong nakakasundo ang anak na may birth date na 4, 5, at 1.

Number 9 Parent (Birth date 9, 18, 27)

“Palaban at matapang” ang number 9 parent. Kaya naiinis siya kapag hindi marunong lumaban ang kanyang anak sa mga nang-aapi sa kanila. Mag­kasundo sila ng ugali ng anak na 9, 3 at 1 dahil mga “palaban” din kagaya niya. Huwag piliting ma­ging palaban ang anak na 2 at 7 lalo na kung ito ay lalaki. Hayaan silang mag-grow ayon sa likas nilang positibong karakter. Hindi sila tau-tauhan na puwedeng imolde base sa iyong pananaw at kagustuhan.

 

Show comments