Lumalaking boobs sa mga lalaking teenager Last Part

Ang obesity ay ang karaniwang dahilan. Kung ikaw ay mataba, natural na la­la­ki ang dede dahil mayroong taba.  Bukod pa dito, ang taba ay lumilikha ng oestrogen na siyang dahilan ng paglaki ng dede.

Minsan, ang mga iniinom na gamot ang dahilan ng paglaki ng dede. Ang ibang gamot ay may oestrogen effect sa dede at may gamot ding pinipigilan ang epekto ng testosterone. Ang oestrogens ay madaling ma-absorb ng balat. May mga lalaking lumalaki ang dede pagkatapos gumamit ng gamot sa pagkakalbo na may oestrogen.

Ang mga gamot na maaaring maging dahilan ng paglaki ng dede ay ang mga hormonal medecines, Psychiatric drugs, gamot para sa hypertension o sakit sa puso gamot sa duodenal ulcerat mga antibiotics atantifungal
drugs.

Ang alkohol ay may epekto sa oestrogen–testosterone balance. Nagiging dahilan ito para i-stimulates ang atay na alisin ang testosterone sa dugo kaya babagsak ang testosterone levels.­  Dadami ang oestrogens. Kapag itinigil ang pag-inom ng alak, makakarekober ang atay.

Ang tumours ay bibihirang maging dahilan ng paglaki ng dede pero puwedeng magkaroon ng breast cancer ang mga lalaki ngunit karaniwang sa isang side lang ito. May ilang tumourna nagpro-produce ng hormone para lumaki ang dede o kaya paglabas ng gatas sa dede. Kung may ganitong problema, komunsulta agad sa doctor.

Show comments