Panaginip: Bawat makasalubong kong tao ay sinusuntok ko. Galit na galit ako. Pero malabo sa akin kung ano ang ikinagagalit ko. Hindi ako ginagantihan ng aking inaaway. Sinisigawan lang ako ng mga tao ng: Luko-luko!---MJ
Interpretation: Marami kang kinikimkim na galit ngunit hindi mo ito mailabas. Ginamit ng iyong subconscious mind ang panaginip upang mairaos mo ang iyong galit.