MAY rainbow na namang nakikita sina William at Donna.
“Pareho ba tayo ng naiisip tungkol sa rainbow na ‘yan, Donna?â€
“Hindi na ito ordinaryong happening, gano’n, William?â€
“Sakto. May ipinahihiwatig na sa ‘kin ang bahaghari. That rainbow.â€
Napalunok ang magandang biyuda.
“Ano ba ang ipinahihiwatig?â€
“Na dapat ko na ngang habulin ang bahaghari! Baka magkita kami doon ni Tamara at ni Mildred!†May selos na nabuhay sa puso ni Donna. Mahal pa rin pala ni William ang yumaong misis, hindi lang ang anak na si Tamara.
“I’ll be chasing rainbows na nga, Donna!†Nabuhayan ng loob si William. “May nakalaang surpresa ang dulo ng bahaghari!â€
Tumanaw silang muli sa likhang-sining ng kalikasan. Naroon pa rin ito—buong nakaarko ang lahat ng kulay. ROYGBIV. Red. Orange. Yellow. Green. Blue. Indigo. Violet.
“Tantiya ko’y nasa tapat ng elementary school nina Tamara ang dulong nasa kanan,†sabi ni William. “Malayu-layo rin dito ang school. Siguro nga’y tama ang hula mo,†pag-ayon ni Donna. “I must go now. Gusto mo bang sumama, Donna?â€
“May dala rin akong kotse, William. Sige, convoy tayo. Susundan ko ang sasakyan mo.â€
Hindi natagalan ay humahagibis na sa madulas na highway ang kotse ng dalawang pareho nang walang asawa. Brooommm. Zooommm.
Patuloy ang patak ng ulan. May liwanag pa sa kinaroroonan ng bahaghari. Hindi pa lumulubog ang araw.
“Normal na rainbow ito, William, hindi na weird na sa gabi lumabas noon,†sabi ni Donna sa cellphone habang nagda-drive.
Sumagot, sa cellphone din, si William. “I agree, Donn. Basta tuluy-tuloy tayo sa elementary school nina Tamara.â€
Agree naman agad si Donna. Gusto niyang laging kapiling ang biyudong lihim nang tibok ng puso.
“Go-go-gooo!†sigaw ni Donna sa cell.
Sumigla si William. He likes her company, masayahing tao si Donna, maganda pa and available. (ITUTULOY)