NAKIRAMAY siguro ang langit. Umuulan habang inililibing ang batang si Tamara. Humahagulhol sa dalamhati ang amang si William. “Hu-hu-huu. Tamara, my baby…â€
Nasa di-kalayuan si Donna, hindi nakatiis na huwag dumalo sa libing—pero kayang tiising huwag nang magpakita kay William.
Buo ang paniwala ng magandang biyuda na inisahan siya ng bagong biyudo—nang halikan siya nito nang walang pahintulot niya.
Hindi nga siya naniniwalang napagkamalan siyang si Mildred ni William; hindi sila magkahawig ng yumaong misis nito.
Umuulan pa rin nang matapos ang libing. Nagpaiwan sa puntod ng anak si William.
Hindi alam ni Donna kung bakit nagpaiwan din siya kahit nanatiling nasa di-kalayuan, hindi kita ni William.
Natatanaw niyang naghihinagpis pa rin ito, wala na yatang balak umalis doon.
Pero mayamaya’y lumipat si William sa isa pang puntod na kalapit ng sa anak. Naunawaan ni Donna na iyon naman ang libingan ni Mildred.
Narinig niya ang bulalas ni William. “You are cruel and selfish, Mildred! Mas ginusto mong mamatay na si Tamara para makasama mo sa Langit—kaysa mabuhay pa siya nang maligaya sa mundo!â€
“William…â€
Hindi natiis ng biyuda ang bagong biyudo. “Donna.â€
“Sasamahan lang naman kita. I fully understand how you feel.â€
“Pinatatawad mo na ako…?â€
“Sa halik mong walang permiso, William?â€
Tumango ang biyudo. “Akala ko talaga’y nagbalik si Mildred noon. Huli na nang malaman kong ikaw…â€
“Bygones. Kinuha ko sa paligo. Hindi ko sineryoso ang halik mo.â€
“Selfish si Mildred, di ba?â€
“Sssshh. Let her rest in peace. Basambasa ka na ng ulan, baka ka magkasakit, William.â€
“Napakabait mo.†Mahinahon nang lumayo sa dalawang puntod si William, kasama si Donna.
Palapit na sila sa kanya-kanyang kotse nang sabay na mapansin ang nasa kalangitan. Kapwa sila natigilan.
“William, may rainbow na naman.â€
(ITUTULOY)