Ano ang naghihintay sa inyong kapalaran (5)

DRAGON

Maraming sorpresa ang naghihintay sa iyo ngayong Year of the Snake. Ito ang taon kung kailan makakamtan mo ang iyong mga minimithi sa buhay. Asahan mo ang pagbulusok paitaas ng iyong career. Ang negosyo na pinag-aralang mabuti ay makakaasa ng tagumpay. May tendency na lumaki ang ulo dahil sa mararanasang tagumpay. Please don’t. Dahil ang kayabangan ay nagdudulot ng negative energy na magiging dahilan ng paghinto ng daloy ng suwerte. Ingatan ng 49-year old Dragon ang kanilang kalusugan pero sila rin ang magiging masuwerte sa pera. Ang 37 year-old Dragon ang magigipit sa pera.

Masasangkot kayo sa gulo dahil sa pakikipag­tsismisan. Linisin ang Southeast sector ng inyong bahay upang makamtan ang wealth luck.  Makakaranas ng tagumpay ang estudyanteng Dragon at ang career ay may kinalaman sa art and creative writing. Malakas ang pang-akit sa opposite sex. Ang may-asawa ay magkakaanak. Ang single ay malaki ang tsansa na ikasal sa taong ito.

 

 

Show comments