Ano ang naghihintay sa inyong kapalaran (4)

RABBIT

Isang stressful year ang Year of the Snake sa mga Rabbit. Kailangang maging malusog ang pangangatawan upang kayanin ang mga challenges. Iwasan ang sobrang pagpapagod at pagpupuyat. Huwag magdalawang isip na pumunta sa doktor kung may kakaibang nararamdamang sakit sa katawan. Habaan ang pasensiya dahil magiging palaaway ka ngayong 2013. Baka kung saan humantong ang pakikipagtalo mo sa iyong kaopisina o karelasyon na pagsisihan mo sa bandang huli.

Huwag munang ituloy ang pagbubukas o pag-e-expand ng business. Hindi ito ang tamang panahon upang ilagay ang pera sa lahat ng klaseng investment. Ang 26-year old Rabbit ang malaki ang tsansang maging sakitin at magipit sa pera. Ang 38-year-old Rabbit ang pagkakalooban ng wealth luck. Laging manalangin para may pangkontra ka sa masamang kapalaran.

Show comments