Alam n’yo ba na ang naimbento ang kauna-unahang fireworks o paputok sa China noong 1400-taon na ang nakararaan? Tanging kawayan lang ang ginagamit ng mga Chinese noon sa pamamagitan ng pagsusunog nito sa apoy. Sa oras kasi na masunog ang loob ng kawayan ay kusa itong lilikha ng ingay o paputok. Ang ingay na likha ng kawayan ay pinananiwalaang nagtataboy ng masamang espiritu. Nang dumating ang 600 A.D. natutong gumawa ang mga Chinese ng mga paputok sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang sangkap ng asin, uling at sulfur. Nakarating naman sa Middle East at Europe ang fireworks noong 13th century.