‘The Rainbow (2)’

MALIGAYANG pamilya ang mag-anak na Mildred, William at Tamara. Close na close sa mag-asawa ang anak na babaing 7-year old.

“Mommy, gusto ko po ng kapatid,” malambing na ungot ni Tamara.

Nagkatinginan sina Mildred at William. Masasabi ba nila sa bata ang masaklap na katotohanan—na sila’y hindi na puwedeng mag-anak?

Si Mildred ay ope­rada na sa matris. Ligtas na ang buhay ni Mildred pero hindi na nga magkakaanak pa.

“Tamara, baby…gustung-gusto namin ng daddy mo na bigyan ka ng kapatid. Pero hindi pa sa ngayon, anak…”
 “Bakit po hindi pa?”

“K-kasi’y m-may problema ang baby maker ni Mommy. Paglaki mo, saka mo maiintindihan,” mahinahong sabi ni William, ayaw maalarma ang tanging anak.

“Okay. I love you, Mommy, Daddy.”  Napakabait na bata ni Tamara. “Basta po lagi kayong nandiyan, ayoko pong kulang tayo.”

Niyakap ni Mildred ang anak. “We are fa­mily, Tamara. And families are forever.”

Hindi alam ni Mildred kung bakit sinabi niya iyon. Di ba ang ‘forever’ ay sa kabilang buhay lamang nakakamtan?

Nag-OA pala siya ng sinabi kay Tamara. Habang buhay lamang sila magkakasama; ang pa­ngarap na walang hanggan ay pangako pa lamang.

Kasama sa routine ni Mildred ang paghahatid kay Tamara sa elementary school sa bayan, 15 kilometers mula sa bahay nila.

“Bye, Mommy!” Nakaugalian na ang paghalik ni Tamara sa pisngi ng ina. “See you later!”

“Pagbutihin ang pag-aaral, Tamara, do you hear?”

“Yes, Mom. Pero kapag po sila ang naunang nanakit, gaganti po ako.”

“Huwag. Isumbong mo sa teacher. Ang teacher ang aayos ng gulo.”

Kabilang sa schedule ni Mildred bilang corporate ay ang pagpunta sa provincial branches ng kumpanya. As usual siya ang nagda-drive. Nakalingat siya sa oras, inabot ng dilim habang pabalik na.

Bumuhos pa ang ulan. Hirap na hirap sa dri­ving si  Mildred.

“Oh my God, hindi ko makita ang kalye!”

Minalas si Mildred. Napapunta sa maling daan.

Nabangga ang detour sign ng putol na tulay. KRASSH.

Pabulusok sa dagat ang ginang. “EEEEE!” (Itutuloy)

 

Show comments