Doble na ba ang baba mo?

Naiinis  ka na ba dahil dumodoble na ang iyong baba (double chin)? Aba, huwag! Ang ibig sabihin nito ay darating nang medyo “late” ang iyong mga grasya ngunit ito ay bongga at todo.

Ikinakahiya mo ba ang iyong tenga na parang ready nang lumipad  dahil naka­buka? Ito ay nagpapa­hayag na ikaw ay ori­ginal, independent thinker at unconventional, yung laging kaiba sa karamihan ang ginagawa o ideas.

Nako-conscious ka ba sa iyong wrinkles sa kanto ng iyong mata o tinatawag na “crow’s feet”? Ibig sabihin nito ay malawak ang iyong pang-unawa sa mara­ming bagay at hindi ka madaling bolahin.

May pagkakataon bang kapag humarap ka sa salamin ay nakikita mong  makintab ang iyong ilong? Matuwa ka! Ibig sabihin nito ay may surprise money na darating sa iyo.

Show comments