Ano man ang iyong body type, body composition o overall health status, ang kakayahan mo na mapanghawakan ang mabibigat na carbohydrates foods ay mag-i-improve ng malaki sa panahon at pagkatapos ng pag-e-exercise. Nangangahulugan ito na ang pinakamainam na pagkakataon para kumain ng maraming starchy o sugary foods ay kapag ikaw ay physically active. Nakadepende sa iyong body type, nagkakaiba ang carb tolerance at dapat maiba rin ang iyong strategy.
High carb tolerance
Kung ikaw ang tipo na sobrang katanggap-tanggap para sa iyong katawan ang carbs, ang pagkain ng mataas na bahagi ng carb foods ay okey lang para sa iyo. Sa madaling sabihin nito, marami ang konsumo mo ng carbs sa buong araw. Syempre dapat din na marami ang nakukuha mong carbs sa panahon o pagkatapos ng iyong pagwo-workout sa iba pang bahagi ng isang araw. Ideyal ang pagkonsumo ng maraming carbs pagkatapos ng workout at kaunti naman sa iba pang meal time sa isang araw. Ayon sa mga fitness expert, mahalagang tandaan na sa pagtaas ng pagkonsumo ng carb, bumababa ang pagkonsumo ng fat.
Moderate carb tolerance
Kung bahagya lamang ang iyong carb intolerance, dapat limitahan ang pagkonsumo ng mataas na carb o starchy foods, maliban sa panahaon pagkatapos ng overnight fast. Sa maiksing paliwanag, okey lang maparami ang carb/starchy carb foods sa umaga at pagkatapos mag-exercise. Samantalang ang iba pang meal time ay sikapin na mabawasan ang pagkonsumo nito, sa halip damihan ang lean proteins, mga gulay, mga prutas, mani at mabutong pagkain. Importante na maintindihan ang ating body type para mas maitugma ang pangangailangang nutritional ng ating katawan, na makakatutulong ng malaki sa ating body figure enhancement.