Wedding Fengshui Tips

• Bukod sa nakaugaliang pure white, maganda rin kulay ng wedding gown ang earth color kagaya ng ivory or cream.

• Ang petsang August 8 ay nagdudulot ng matatag na pagsasama.

• Ang wedding cake ay simbolo ng magiging kapalaran ng mag-asawa. Ang bilog na cake ay angkop sa mag-asawang ang career ay may kinalaman sa art. Kung ang plano ay magkaroon ng maraming anak bilog na cake ang piliin n’yo.

• Matatag na pagsasama ang sinisimbolo ng square na cake.

• Sa mag-asawang adventurous, three-tiered cake ang mainam.

• Kung nasisiguro mong magkakaroon ka ng guest na malaki ang tsansang mag-inarte o gumawa nang hindi kagandahan eksena sa reception, iupo mo siya malapit sa fountain, ice sculpture o picture ng lake. Ang tubig ay nagpapakalma ng kalooban. Kung wala, dikitan ng black paper ang ilalim ng

upuan niya dahil ang black ay simbolo ng water element. Ang suggestion na ito ay applicable sa kasalang may sitting arrangement (nilalagyan ng pangalan ang bawat silya) ang mga bisita sa reception. (Itutuloy)

 

Show comments