‘Nega’ ba ang katabi mo? (2)

Negative energy ang ibinibigay ng mga sumusunod na lugar: riles ng tren, airport, police station, basurahan, sementeryo, ospital. Kung ang tindahan o opisina ng iyong negosyo ay nasa tabi o katapat ng mga nabanggit, heto ang nararapat na gawin upang makontra ang negative energy:

Kung malapit sa building na maraming maingay na makina o pinag-oopisinahan ng stock exchanges, magdispley sa labas ng entrance ng halamang nasa paso; gumamit ng dark colors or dark wood for wall paneling and furniture.

Kung ikaw naman ay isang empleyado na ang opisina ay malapit sa mga nabanggit na lugar, ipinapayo ng mga Feng shui expert na magbakasyon ka o magbiyahe sa lugar na tumatawid sa dagat. There’s an old feng shui saying: Ang pagtawid sa dagat ay nakakaalis ng malas. Para raw hinuhugasan ng dagat ang bad energy na nakakapit sa katawan.

 

 

Show comments