Natalakay na natin ang iba’t ibang penis problems tulad ng balikong penis, penis discharge, namumula, namamaga at nangangating penis at patse sa penis. Tinalakay ito ni Dr. Margaret Stearn FRCP mula sa Oxford University and St. George’s Hospital Medical School na kilalang eksperto sa mga
nakakahiyang problema at binigyang solusyon. Talakayin naman natin ngayon ang butas na nasa ibang bahaging penis. Ang normal na opening ng urethra (tubo para sa ihi at semen) ay nasa dulo ng penis, sa gitna ng ulo o gland.
May mga lalaking ipinangak na wala sa dulo ng penis ang butas at nasa gilid ng penis ang butas o ilalim ng ulo ng penis at ang ulo ng
penis ay may dimple lang. Ngunit bibihira ito.
Ang tawag dito ay hypospadias na sinasabing minsan ay nasa lahi. Kung ang opening ay nasa gilid ng penis, posibleng bumaliko ang penis
kapag naka-erect ngunit hindi ito nangyayari kung ang butas ay nasa ilalim ng ulo ng penis. Posibleng maging abnormal din ang lambe kung nasa ibang lugar ang butas ng penis.
Epekto ng hypospadias Hindi maapektuhan ang pag-ihi kung mayroong Hypospadias dahil ang
pagdaloy ng ihi ay kontrolado ng bladder o pantog na nasa kaloob-looban ng ating katawan. Ang mahirap ay kung paano mo ishu-shoot ang pag-ihi sa inidoro kung saang direksiyon ka iihi kaya ang ibang may ganitong kondisyon ay umuupo na lamang sa inidoro kapag umiihi. (Itutuloy)