BUKOD sa design, pag-isipan mo rin kung saan dapat ito ilagay. Alam mo bang may ibig sabihin ang lugar na pinaglalagyan ng tattoo?
Dibdib
Love and devotion ang ipinahahayag dahil malapit sa puso. Mainam na i-tattoo dito ay pangalan ng mga anak. Huwag ang pangalan ng asawa o karelasyon. Hindi mo masasabi kung forever na kayo. At least, kung anak, aba, eh, kahit magunaw ang mundo ay walang papalit sa kanilang lugar.
Daliri
Ang tattoo sa left ring finger ay permanenteng simbolo ng pagmamahalan ng babae at lalaki may singsing man silang suot o wala.
Bisig
Karaniwang dito nagpapa-tattoo ang mga lalaki dahil nagpapahayag ng lakas at katatagan. Mainam na dito ipalagay ng mga tatay ang pangalan ng kanilang mga anak. Ang iba naman ay dito nagpapalagay upang mapansin ang kanilang mabibintog na muscle.
Leeg
Mga malalakas ang loob, walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao at adventurous ang mga taong nagpapa-tattoo dito. Leeg daw ang pinakamasakit na lagyan ng tattoo.
Likod, itaas
Mga mysterious at mahiyain ang nagpapalagay dito dahil hindi naka-expose kapag nakadamit.
Likod, ibaba
Ito raw ang magandang lugar sa babae para lagyan ng tattoo dahil seksi ang dating.