• Kung may hagdan sa inyong opisina, huwag itong kukulayan ng pula o papatungan ng red carpet. Red means blood. Gusto mo bang dumanak ang dugo sa inyong opisina?
• Huwag din maglalagay ng spiral staircase sa loob ng opisina. Ang dulot nito ay kaguluhan sa kompanya.
• Huwag magtatayo o magrerenta ng opisinang may katabi o katapat na temple or church. Hihigupin nila ang suwerteng papasok sana sa opisina. Kaya ang ending ay poor business.
• Huwag magdidispley ng picture o poster ng ibong lumilipad sa loob ng opisina. Ang epekto ay hindi nagtatagal ang mga empleyado sa trabaho.
• Sa halip, ang idispley ay larawan ng happy faces/happy people.
• Huwag gumamit ng sobrang nakakasilaw na bombilya sa main entrance.
• Hindi maganda kung offi ce door mo ay may katapat na iba pa rin offi ce door. Mag-aagawan kayo ng suwerte.
• Hindi maganda na ang offi ce door mo ay katapat ng elevator. Ang epekto ay poor business.
• Bad Fengshui na magdispley ng relo sa opisina. “Kamatayan” o “katapusan” ang ipinahahayag ng relo.
Nilalagyan mo ng deadline ang success ng business.