`KINALAGAN ni Dolores sina Paolo at Miss Santos habang nagsesermon. “Hindi n’yo dapat isinasabay sa krisis ang inyong mahalay na paghahalikan.” Pinamulahan ng mukha ang dalawa. Walang maisalag.
Pero nakahagilap si Miss Santos ng sagot. “Dolores, akala kasi namin—bilang na ang aming mga sandali…”
“Ak a l a k o pa nama’y may boyfriend ka. At akala ko, ako ang gusto nitong si Paolo…” may hinanakit na sabi ni Dolores.
Nahambal sina Miss Santos at Paolo nang makita ang bangkay ng hepe at dalawa nitong tauhan.
“I-ikaw ang pumatay,
Dolores?”
“Nire-rape nila ako, nagtanggol ako sa sarili.” Walang makakaalam na si Dolores ay naging bungo ang mukha at ulo.
“Wala ka namang kasalanan, Dolores. Ako ang sasaksi laban kina Hepe,” matatag na sabi ni Paolo.
“Pero dahil bata ng mayor nang pinatay mo, Dolores, asahan mong gulo ang mangyayari sa buhay mo,”
seryosong sabi ni Miss Santos.
Nayabangan sa lady reporter si Dolores. “May fi rst name ka ba, Miss Santos?”
“Quirina.”
“Ha-ha-ha! Bagay!” tawa-puna ni Dolores.
Hindi naman nakitawa si Paolo. “Dapat maireport sa police headquarters ang nangyaring ito.”
“May nangyayari sa bayan, Paolo. Nakasalang ang Montalvo clan. Mula kay Ex-Mayor Macario, Ex-Mayor Grego, Ex-Mayor Eric hanggang kay Mayor John.” “Ano ba ang nangyayari do’n,
Dolores?”
“Naghihiganti na sa kanila ang mga kabaong— mula sa lawa.” “May atraso ang Montalvo clan s-sa mga nasa kabaong…?” tanong ni Miss Santos, umiral ang pagiging investigative reporter. Buntunghininga ang naging tugon ni Dolores.
Mayamaya’y nagsalita na rin. “Isa kang mamamahayag, Miss Quirina Santos. Tuklasin mo.” “Iyan na nga ang aalamin ko, Dolores. Magpapapunta ako ng mga divers mula sa navy. Mambubulabog na ako sa media,” determinadong sabi ni Quirina Santos. (Malapit nang magwakas)