Ghost Lake (29)

“IBIG kong sabihin, Sir Paolo, bago ako mamatay—payag akong paangkin sa iyo…ayoko talagang umalis sa mundo nang virgin pa…” luhaang sabi ni Miss Santos sa kapwa nakagapos na si Paolo.

May panghihina­yang na napangiti ang binata. “Katakam-takam na offer, Miss Santos. Kung nagkataong hindi tayo nasa ganitong helpless na kalagayan, I’m sure inangkin na agad kita…”

“W-wala kang girlfriend?”

“Wala, Miss Santos. May gusto akong ligawan pero napakamisteryosa…”

“Si Dolores ba?”

Tumango ang binatang makabayan. “Oo, pero hindi pa niya alam na gusto ko siya.”

“And yet, nais mo rin akong angkinin kung bibigyan ka ng pagkakataon? Hindi ba pagtataksil na rin iyon kay Dolores? Dapat ay isa lang ang mahal.” Dumepensa si Paolo. “Actually, pareho lang tayo, Miss Santos. Ikaw na may boyfriend, nais na ring magbigay sa akin…”

Napabuntunghininga ang magandang reporter. “Sa kawalang pag-asa, kahit bawal na langit ay nais kong makamit, Sir Paolo.”

“Naiintindihan kita. Ganyan din ako kung wala nang ibang choice bago mamatay…”

Magkalapit ang kanilang mga upuan kahit nakagapos. Naabot nila ang mga labi ng isa’t isa. Pinaghinang iyon nang buong init, may ka­lakip na damdamin at pagnanasa. “Uhuurmmm.” May nakapasok na pala sa kubo, nahuli ang eksenang iyon. Halatang natigilan.

Napaigtad sina Paolo at Miss Santos, naghiwalay ang mga labi.

“Dolores, thank God! Binuhay ka nila!” bulalas ni Paolo, ikinubli ang pagkapahiya.

Maging si Miss Santos ay patay-ma­lisya, Hindi abnormal na maghalikan ang parehong single.

Hindi na bungo ang mukha ng dalagang mahiwaga. “Pansa­mantalang ligtas na kayo sa kamatayan. Hindi ka na mare-rape, Miss Santos.”

“N-naawa sina Hepe sa iyo, Dolores? Hindi ka na ni-rape?”

“Mali, Miss Santos, ni-rape nila ako pero ako’y gumanti. Pinatay ko na silang tatlo.”  (ITUTULOY)

 

Show comments