Penis discharge - Namaga ba o namumula ang inyong penis? May lumalabas bang kung ano mula sa inyong penis?
Nakakahiyang problema ito. Tinalakay ito ni Dr. Margaret Stearn FRCP mula sa Oxford University and St. George’s Hospital Medical School na kilalang eksperto sa mga nakakahiyang problema sa http://www.embrassingproblems.com. Ang butas sa dulo ng penis ay ang opening ng urethra (ang tubo para sa urine at semen sa loob ng penis). Ang discharge ay karaniwang senyales ng infection sa urethra. Non-specific urethritis (NSU). Ang NSU ay ang karaniwang dahilan ng lumalabas na likido o discharge. Ang ‘Urethritis’ ay nangangahulugang pamamaga ng tube, at ang ‘non-specific’ ay nangangahulugang mahirap malaman ang eksaktong dahilan. Ang NSU ang dahilan ng discharge na kadalasan ay kadalasang malinaw at madalas ay sa umaga.
Maaaring mahirapan sa pag-ihi at makakaramdam ng iritasyon sa urethra sa loob ng penis. Nakukuha ang NSU sa sex at ilang klase ng bacteria ang responsable
dito. Halos kalahati ng kaso ng NSU ay sanhi ng Chlamydia at 40% ay sanhi ng bacteria tulad ng Ureaplasma at Mycoplasma. Ang mga bacteria
ay hindi nagiging dahilan ng discharge sa mga babae at walang sintomas sa early stages kaya hindi agad nalalaman ng mga babae na mayroon
silang infection. (Itutuloy)