Fact: Nakapagdudulot ng constipation ang pagbabakasyon
Ang pagbibiyahe ay nakapagpapabago sa arawang routine at diet, na ayon sa mga expert ay nakapagdudulot ng constipation. Iwasan ang dehydration-related constipation gaya ng pag-inom ng tubig, lalo na kung ang pagta-travel ay sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplano. Makakatulong para dito ang paggagalaw-galaw, halimbawa habang naghihintay sa eroplano ay maglakad-lakad o kaya’y kapag nagmamaneho, huminto muna. Iba pang travel tips: sikapin na makapag-exercise, limitahan ang pagkonsumo ng alcohol at kumain ng mga prutas at gulay.
Fact: Nakakaapekto ang mood sa regularity ng pagdumi
Ayon sa mga expert, nakapagti-trigger ng constipation ang depression o maaaring mas malala pa rito. Makakatulong ang pagme-meditate para mabawasan ang stress, pagyo-yoga, biofeedback at relaxation techniques. Gayun din ang acupressure o shiatsu massage. Ang pagmamasahe ng sikmura ay makakatulong para ma-relax ang muscles at masuportahan ang intestine at maikondisyon regular na pagdumi.
Myth: Walang aray ang pagpipigil ng pagdumi
Maaaring sobrang abala ka sa iyong gawain para mabigyan ng pagkakataon ang pagdumi o kaya’y pipiliin mo na paghintayin ito hanggang sa makarating sa inyong bahay. Sa paliwanag ng mga expert, ang pagsasawalang-bahala sa udyok ng pagdumi ay hindi lamang makapagdudulot ng physical uncomfortable, dahil maaari rin itong magpatindi ng constipation sa pamamagitan ng pagpapahina sa signal ng katawan. May ilan na nagsasabing nakakatulong kung babalewalain ang pagkain kasunod ng almusal para maiwasang madumi.