Dear Vanezza,
I’m Krisin, 24, single. Ang problema ko po ay ang boyfriend ko. Nakipag-break po ako sa kanya dahil I have a feeling na marami kami sa buhay niya. Marami siyang girls na kaibigan at tingin ko naman ay hindi niya kaibigan lang ang mga ito or worse “Friends with Benefits” sila. Ang hirap po pala kapag akala mo honest at good man ang isang tao, then all of a sudden kabaliktaran pala ng mga ito ang madidiskubre mo sa kanya. I really feel na hindi rin ako naging importante sa kanya. Sa ngayon, I’m striving myself to move-on and leave the situation I had before with him. Although, it’s really hard on my part, pero alam ko sa sarili ko that I got my knees to stand because of what I’ve discovered at ng kanyang ipinaramdam sa akin. I’ve learned many things in this relationship that makes me a strong person again. More power.
Dear Kristin,
Mabuti naman at nagkaroon ka na ng lakas ng loob na iwanan ang relasyong ito. Tama ang iyong ginawa na dapat mo munang mahalin ang iyong sarili, bago ka magmahal ng iba. Sa unang taon talagang mahihirapan ka, pero kung ikaw ay desididong gawin ang isang bagay para sa iyong kapakanan, go and move-on. Paunlarin mo pa ang iyong sarili. Malay mo, hindi magtagal ay makita mo ang isang tunay na taong magmamahal sa’yo. Keep on moving at piliting huwag masyadong maapektuhan ng inyong break-up.