Alam n'yo ba?

Alam n’yo ba na si John Bain ng Wil­mington, Delaware ang may hawak ng record na nakagawa ng pinakamalaking rubber ball sa buong mundo? Ito ay may bigat  na 2,508 libra, may taas na 4 ¾ feet at binuo  niya sa loob ng tatlong taon at dalawang buwan.  Ang materyales na kanyang nagastos ay umabot sa  US$8,000.  Ginamitan niya din ito ng 350,000 rubber bands.  Si Christopher Columbus ang nakadiskubre ng “natural rubber” sa Haiti kung saan nakita niya ang mga katutubo dito na naglalaro ng bola na gawa mula sa isang puno na tinatawag nilang “cau-uchu”.

Show comments