Mas abala yata ngayon si Bea Alonzo sa pag-a-abroad at negosyo.
Yup, mga ganun ang laman ng kanyang social media pages, ang mga biyahe niya na konektado sa negosyo niyang luggages at travel essentials.
Parang ganun ang direction ng kanyang career sa kasalukuyan.
Noong Pasko ay nasa France sila ng kanyang buong pamilya. “Just soaking up these final days of 2024 with my loved ones in stunning Andorra - couldn’t ask for a better way to wrap up the year. Our Christmas was all about cozy vibes, with cups of hot chocolate warming us up, followed by an adventurous day of skiing. Still not a ski pro hahaha but hey, it’s all about having fun and taking in those breathtaking views of the Pyrenees, right?”
Ayon sa Google, ang Andorra ay nasa gitna ng France at Spain.
“Andorra is a tiny, independent principality situated between France and Spain in the Pyrenees mountains. It’s known for its ski resorts and a tax-haven status that encourages duty-free shopping. Capital Andorra la Vella has boutiques and jewelers on Meritxell Avenue and several shopping centers. The old quarter, Barri Antic, houses Romanesque Santa Coloma Church, with a circular bell tower.”
Residente ng Spain ang Kapuso actress.
Sumunod niyang pinuntahan ang London.
Pinakita ni Bea ang mga magagandang lugar na pinasyalan sa London tulad ng Borough Market, nag-museum at nanood ng stage play.
Hindi na ang kanyang pamilya ang kanyang kasama sa nasabing adventure kundi isang kaibigan niya.
May mga Pinoy namang nakakita sa kanya sa London at nagsabing na-starstruck sila sa actress.
But anyway, wala pang sinasabi kung anong magiging programa niya ngayong 2025 sa GMA 7 o kung anong pelikula ang kanyang gagawin.
May mga nagtatanong din kung nag-renew na ba siya ng kontrata sa GMA 7.
Kasalukuyang napapanood si Bea sa Widows’ War.
Sa kanyang wrap-up post at may caption naman siyang “The rest is still unwritten. Hello 2025!!” MMFF MOVIES,
May ilang namirata
Hanggang Martes pa mga sinehan ang pelikulang kalahok sa 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival.
Tho dumami naman ang mga nanonood ng mga pelikulang naiwan sa mga sinehan tulad ng And The Breadwinner Is..., The Kingdom, Green Bones, Espantaho and Uninvited, hindi pa rin ito kasing lakas nung nakaraang taon.
Humahabol pa ang My Future You and Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital at marami-rami pa silang mga sinehan.
Pero tatlo na lang pelikula ang talagang napupuno ang sinehan.
Free setting pa ang ibang sinehan sa isang mall na pinupuntahan namin.
‘Yung pelikula Isang Himala may ilang naghahanap ng sinehan, pero wala na talaga.
Malaking tulong naman sa Green Bones ang mga napanalunan nilang award.
Dumami ang nanood at na-touch sa prison drama na pinagbibidahan nina Dennis Trillo and Ruru Madrid.
Lahat ng sampung pelikula ay magaganda at mas quality kesa sa iba, pero baka nga jologs movie rin ang gusto ng ibang audience ‘pag Pasko.
Kasi ang daming hanash o eme na kulang kasi sa kalidad ang mga pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan kaya walang nanonood, festival man o hindi.
Pero ba’t ngayong lahat de kalidad at ginastusan ng mga producer na wala raw bababa sa P50 million ang isang pelikula, hindi naman din masyadong pumatok.
Baka gusto nila light lang like Rewind and Hello, Love, Again na simple pero may tama sa puso.
Oh wala ba talagang formula sa isang box office movie?
Or baka naman hinihintay ng fans ang movie nina Kim Chiu and Paulo Avelino na My Love Will Make You Disappear na Valentine movie na tiyak na uulan ng pagpapakilig ng KimPau?
Pero seriously, sayang naman na maraming hindi nakapanood ng mga pelikulang kasali sa #MMFF50.
Or pwede kayang nakaapekto ang mga ilang naka-pirate sa pelikula?
Nag-post ang Regal Entertainment na producer ng My Future You starring Francine Diaz and Seth Fedelin.
“Piracy is a crime.
“The team behind My Future You is tracking down on all illegal distributors of the film. If you see any illegally recorded clips or content, please send us an email at regalfilms50@gmail.com
“See the film in cinemas the way it’s meant to be seen! #MyFutureYouMMFF.”